Isang teacher nadali ng isang seller sa Lazada! Box ng cellphone na worth 15k, bato ang laman

Isang netizen na naman ang nabiktima ng mga scammer online, matapos itong makatanggap ng bato imbis na cellphone na nagkakahalagang 15k mula sa isang seller sa Lazada.

Viral ang ibinahaging video ng isang Facebook user matapos nitong ibahagi ang pangi-scam na naranasan ng kanyang co-teacher na si Catherine Magtangob.

Makikita sa nasabing video na masayang-masaya si Catherine matapos ma-receive ang in-order niyang cellphone sa sikat na shopping application na Lazada

Sa simula ng video ay binasa pa nito ang mga detalye na nakasulat sa resibo mula sa seller. Bago tuluyang buksan ang parcel sinabi pa nito na sana ay hindi magkaroon ng problema nang sa ganoon ay hindi na niya ito kailangan pang ibalik sa seller.

Aniya, “Sana walang problema, para ‘di na tayo magre-return.”

Habang binubuksan niya ang pouch, nabanggit sa video na ang brand at unit ng cellphone ay isang Tecno Camon 18 Premier Android smartphone na nagkakahalagang 15 thousand.

Nang tuluyan na niyang mabuksan ang parcel at matanggal ang bubble wrap, napansin nito na tila hindi na naka-sealed ang box ng cellphone.

Napasabi pa siya ng, “Hays salamat, ang bilis buksan.”

Nang buksan niya ang box, nagbiro pa nito na parang wala ang cellphone sa loob.

“Bakit parang wala ‘yung cellphone,” saad ng guro.

Aga naman itong naging emosyonal at naiyak nang makitang walang laman na cellphone ang box kundi mga accesories lamang at isang bato.

“Ma’am Eden, bato! Bato ang laman nandoon na ‘yung pera ko!

“Maam Eden, yung pera ko!” saad nito habang umiiyak.

“Bakit naman bato ang laman! Kaya pala hindi siya naka-seal,” sagot naman ng kasamahan niya.

“Dapat pala hindi natin pinaalis yung rider,” dagdag pa nito.

Hanggang sa pagtatapos ng nasabing video ay umiyak na lamang ang nabiktimang guro at wala nang nagawa.

Samantalang sa comment section naman ng nasabing video ay nagbahagi rin ang ilang netizens na nakaranas ng parehong scam online.

Patunay lamang ito na hindi na bago ang mga ganitong eksena at patuloy lamang ang mga masasamang loob na nambibiktima. Wala itong pinipili kaya naman pinapayuhan ang publiko na maging maingat at matalino lalo pa kung malaking pera ang pinag-uusapan.

Payo ng isa, “Mas ok prin tlga COD tpos check the item kung tlga nandun Bago bayaran Lalo n kung malaking halaga po ung item n oorderin po nten..”

“Madami ng modus talaga diyan kung Ako sa inyo Lalo malaking pera na usapan dumiretcho na kayo sa mismong bilihan,” ani naman ng isa pang concern citizen.

Panoorin ang video :