Home Entertainment Huling live video ng limang bayaning rescuer sa Bulacan, ibinahagi sa social...

Huling live video ng limang bayaning rescuer sa Bulacan, ibinahagi sa social media

Ibinahagi ng ilang netizen sa social media ang huling live video ng limang tinaguriang bayaning rescuer na nasawi habang ginagawa ang kanilang rescue operations sa San Miguel, Bulacan nitong Septyembre 25.

Kuha ng isa sa mga nasawing rescuer na si George Agustin ang nasabing video kung saan ay masaya pa sila habang nagbi-biyahe sa kanilang huling misyon.

“Standby na kami sa San Miguel, Bulacan… See you,” sabi ni Agustin.

Maliban kay Agustin ay nasawi rin sila Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion at Marby Bartolome.

Ayon sa ulat ay nasa Sitio Galas, Barangay Camias sa San Miguel ang lima ng biglang rumagasa ang baha.

“While they were preparing the lifeboats, the flash flood rushed to their location and they were swept away by flash floods,” ani Bulacan Governor Daniel Fernando.

Miyembro ang lima ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Inihahanda naman ang parangal para sa lima dahil sa kanilang sakripisyong ginawa upang mailigtas ang buhay ng iba.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps