Home Entertainment Isang eksena sa pelikulang ‘Mamasapano Movie’ sa pagitan ng SAF at ni...

Isang eksena sa pelikulang ‘Mamasapano Movie’ sa pagitan ng SAF at ni PNoy, ipinakita ng abogado ni Deniece Cornejo

Ibinahagi ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio ang ilang eksena sa Mamasapano Movie.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Topacio na siyang producer ng nasabing pelikula ang isang maiksing eksena kung saan makikita ang mga aktor na gumanap bilang si dating Pangulong Noynoy Aquino at miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

“Ang problema kasi pinabayaan mo kami, nandoon ka lang sa Zamboanga habang kami isa isang nagbubuwis ng buhay doon sa Mamasapano. Wala ka man lang ginawa para saklolohan kami,” sabi ng gumanap na SAF sa gumanap na PNoy.

“Sige nga, kailan ka pa nagsalita na sinisisi mo ang mga rebelde?” dagdag pa niya.

Matatandaan na binatikos noon ang dating pangulo dahil sa kanyang paghawak sa operasyon kung saan 44 na miyembro ng SAF ang nasawi.

Ibinahagi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama siya sa mga pinulong noon ni Aquino sa Zamboanga noong Enero 25, 2015 upang pag-usapan ang nangyayari sa Mamasapano.

Ikinuwento ng dating pangulo na nag-walkout siya sa gitna ng nasabing pagpupulong na ‘yon dahil sa hindi niya nagustuhan ang mga katanungan ni Aquino.

“The two, Roxas pati Aquino, kept on standing behind the stage. We were waiting. This is true. Ask the military. They kept on talking,” kwento ni Duterte.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps