Home Entertainment Raffy Tulfo, nanawagan sa netizen na tantanan na ang pamilya ni Jovelyn...

Raffy Tulfo, nanawagan sa netizen na tantanan na ang pamilya ni Jovelyn Galleno

Nakiusap si Sen. Raffy Tulfo sa mga netizens na tigilan na ang pamilya ng nasawing graduating student na si Jovelyn Galleno.

Sa programa niya na Raffy Tulfo in Action (RTIA) sinabi ng senador na dapat ng tapusin ng mga netizens ang pangingialam sa pamilya Galleno na matatandaang tinanggap na ng buong loob ang resulta ng imbestigasyon.

Madami parin kasing mga netizens ang hindi naniniwala sa naging resulta ng DNA examination na ginawa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa buto na pinaniniwalaang si Jovelyn.

“Come on guys, patahimikin na natin ‘yung mga immediate relatives, ‘yung mga kamag-anak ni Jovelyn. When I say kamag-anak, I’m talking about the mom, and the siblings. Mas masakit po, yung nararamdaman nilang hapdi kaysa po sa inyo o sa atin dito,” ani Tulfo.

Ayon kay Tulfo ay mas mainam na igalang na lamang ng mga netizens ang nakita ng mga eksperto.

“‘Wag na ho nating dagdagan pa ‘yung pahirap na kanilang naranasan. Ang mga kamag-anak po ni Jovelyn ay tanggap na po tanggap na nila ‘yan po galing mismo kay Jonalyn. Tanggap na ‘yung resulta na unang ipinalabas ng PNP na dible ng NBI, at maganda ‘yung paliwanag ng NBI nung proseso ng pag-conduct ng DNA testing… Kung sila po mismong mga kamag-anak ay iginalang ang resulta ng NBI sa DNA testing, galangin din po natin ‘di po ba?” sabi ng senador.

“Again, kung meron po talagang mga taong nasasaktan dito at talagang apektado ng todo-todo ay ‘yung mother na Jonalyn. Si Jonalyn at kanyang kapatid… Ngayon po, dahan-dahan na silang nakaka-move on.” dagdag niya pa.

Matatandaan na si Tulfo ang isa sa mga tumulong sa pamilya Galleno upang lutasin ang pagkawala ng graduating student.

READ MORE: DNA examination ng NBI, sinabi na ‘positibo’ na si Jovelyn Galleno ang buto na nakita

Hindi naman naging maganda ang naging katapusan ng isyu dahil sa napatunayan sa DNA exam na wala na ang dalaga.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps