Home Entertainment NBI Palawan, pinag-aaralan ang pagdedemanda sa mga vlogger na nagkalat ng maling...

NBI Palawan, pinag-aaralan ang pagdedemanda sa mga vlogger na nagkalat ng maling impormasyon tungkol kay Jovelyn Galleno

Pinaplano ng National Bureau of Investigation (NBI) Palawan ang pagsasampa ng reklamo laban sa ilang vlogger na nakisabit sa isyu ni Jovelyn Galleno at nagkalat ng maling impormasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI Palawan na ilang vloggers ang ginamit lamang si Jovelyn upang kumita katulad na lamang ng komentarista na si Tommy Abile alyas Bigwas.

Matatandaan na sa programa ni Abile lumabas ang mga teorya na dinala sa Malaysia si Jovelyn at ang buto na nakita sa Barangay Sta. Lourdes ay kinuha lamang ng mga otoridad sa isang sempteryo sa Narra, Palawan.

Ayon sa NBI ay may masamang epekto ang mga pahayag ni Abile tungkol sa kaso ni Jovelyn dahil sa maraming netizen ang napapaniwala nito

Samantala ay naniniwala naman si NBI Palawan Special Investigation III Cedric Caabay na mayroong malaking galit si Abile sa mga otoridad kaya’t nagkakalat ito ng maling impormasyon tungkol sa kaso ni Jovelyn.

Ayon kasi kay Caabay ay mayroong kinakaharap na kaso si Abile mula sa ilang kababaihan na inirereklamo siya ng panghahalay.

Wala pang pahayag si Abiles kung paano niya haharapin ang posibleng reklamo laban sa kanya.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps