Home Entertainment Lalaki na itinuturong ‘nagtanim ng buto’ ni Jovelyn Galleno, itinanggi ang mga...

Lalaki na itinuturong ‘nagtanim ng buto’ ni Jovelyn Galleno, itinanggi ang mga paratang sa kanya

Itinanggi ng lalaki na itinuturo ng komentarista na si Tommy Abile o mas kilala bilang Bigwas ang mga akusasyon laban sa kanya na siya diumano ang kumuha ng buto na kinikilala na ngayon bilang si Jovelyn Galleno.

Sa panayam sa kanya ng Bandera News, itinanggi ni alyas ‘Nicole’ na isang police asset ang mga sinasabi ni Abile na siya ay tinatakot ng mga otoridad kaya’t hindi parin siya nagpapakita sa publiko.

Matatandaan na ayon sa pahayag ni Abile ay kasabwat si Nicole ni Puerto Princesa Station 2 Commander P/MAJ Noel Manalo sa pagkuha ng buto sa isang sementeryo sa Narra, Palawan para palabasin sa publiko na nakita na nila si Jovelyn.

Ayon kay Nicole ay hindi niya alam kung bakit siya nadamay sa mga ginagawang istorya ni Abile.

Hindi rin diumano ni ‘Nicole’ kung saan ang binabangit na sementeryo ni Abile.

“Ginagamit lang ‘yung pangalan ko diyan para pagkakitaan ako,” sabi ng lalaki.

Malaki rin diumano ang naitulong sa kanya ni Manalo kaya’t malabo ang sinasabi ni Abile na tinatakot ng pulis ang lalaki para di magsalita.

Matatandaan na tanggap na ng pamilya Galleno ang nangyari kay Jovelyn at hinimok ang mga netizens na irespeto ang naging imbestigasyon ng PNP at NBI.

Samantala ay posibleng humarap sa kaso si Abile dahil sa kanyang mga maling impormasyon na ipinapakalat.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps