Home Entertainment Jim Paredes tinawag na ‘satanas’ si dating pangulong Duterte

Jim Paredes tinawag na ‘satanas’ si dating pangulong Duterte

Tila hanggang ngayon ay hindi parin titigilan ng legendary OPM artist na si Jim Paredes si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang larawan na ibinahagi ni netizen @MashaMasha2022 ay tinanong nito ang ilan niyang followers kung ano ang magandang ‘caption’ sa larawan ni Duterte at ng dati nitong assistant na si Sen. Christopher “Bong” Go.

Isa si Paredes sa sumagot at tinawag ang dalawa na ‘Satan and his apprentice’.

Matatandaan na si Paredes ay isa sa mga kritiko ng mga polisiya ni Duterte.

Nang kumalat ang pribadong video ni Paredes ay hindi naman pinalampas ng dating pangulo na magbigay ng komento dito.

Ayon kay Duterte ay masama ang kanyang bunganga ngunit hindi niya magagawa ang ginawa ni Paredes.

“Tapos itong Jim Paredes, immoral daw ako. Ipinakita niya ‘yung ot**n niya sa… T*** i** ang liit pa, ganun. Sa totoo lang,” ani Duterte sa kanyang talumpati noong 2019.

“Yan ang mga taong nagbabatikos sa akin. Kita mo ‘yung kalidad nila,” dagdag niya pa.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps