Home Entertainment Alessandra de Rossi, nagpakita ng suporta kay Kat Alano sa gitna ng...

Alessandra de Rossi, nagpakita ng suporta kay Kat Alano sa gitna ng pagsuko ni Vhong Navarro: “The LORD will fight for you!”

Hindi maitago ng VJ na si Kat Alano ang kanyang saya dahil matapos ang 17 na taon ay nakamit niya na ang kanyang inaasam asam na mangyari.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Kat na matapos ang 17 na taon ay nakamit niya na ang hustisya.

“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally, after 17 years,” ani Kat sa kanyang tweet.

Ibinahagi ni Kat ang kanyang tweet sa gitna ng paglalabas ng Taguig RTC ng warrant laban kay Vhong Navarro dahil sa kinakaharap na kaso nito na isinampa ni Deniece Cornejo.

See also Kat Alano may patama muli sa gitna ng kinakaharap na kasong panghhalay ng isang celebrity
Walang inirekomendang piyansa sa nasabing warrant kaya naman maaring tuloy tuloy na ang pananatili sa selda ni Navarro.

Matatandaan na noong 2020 ay nag-viral si Vhong sa social media dahil sa pahayag ni Kat tungkol sa isang makapangyarihan at sikat na celebrity na hinalay siya.

Ayon sa kanya ay hindi na siya nagsampa ng kaso dahil sa makapangyarihan ang pamilya ni #RhymesWithWrong.

Samantala ay sinabi naman ng kampo ni Deniece na hindi pa tapos ang kanilang laban at alam nila na hindi basta basta ang kanilang kinasuhan na personalidad.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps