Home Entertainment ‘Nostradamus of the Philippines’ Jay Costura, binasahan ng baraha si Jovelyn Galleno:...

‘Nostradamus of the Philippines’ Jay Costura, binasahan ng baraha si Jovelyn Galleno: “

Mismong ang tinaguriang ‘Nostradamus of the Philippine Social Media’ na si Jay Costura ang sinubukan hulaan kung ano nga ba ang nangyari sa graduating student na si Jovelyn Galleno na matatandaang nawawala simula pa nung Agosto 5.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Costura na maaring may sangkot na isang mayamang indibidwal sa pagkawala ni Jovelyn.

“Hindi siya literal na politician, pero maaring worry ako dito kasi pagkakitaan si Jovelyn. It’s like syndicate ito,” ani Costura.

Ayon din kay Costura na mayroong nakasabay si Jovelyn sa isang public utility vehicle na maaring ang suspek.

Hindi rin diumano kakilala ni Jovelyn ang suspek at maaring hindi lang iisang tao ang kumuha sa nawawalang dalaga.

Sa part 2 naman ng kanyang panghuhula ay sinabi ni Costura na posible rin daw na buhay pa si Jovelyn ayon sa kanyang mga baraha at nakakakain pa diumano siya.

Ngunit ayon sa kanya ay naghihirap diumano ang graduating student sa kamay ng kumuha sa kanya.

“Malinaw na may humahawak sa kanya ngayon,” pahayag ng manghuhula.

Sa ngayon ay umabot na ng milyon milyong views sa social media ang panghuhula ni Costura.

Matatandaan na ilan sa mga nahulaan diumano ni Costura ay ang pagdating ng pandemya at sinubukan din nito na hulaan ang nangyari kay Jhang Lucero noong 2020.

Malalaman naman kung tama ang hula ni Costura kay Jovelyn kapag natapos na ang imbestigasyon ng pulisya.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps