Home Entertainment Events Photographer, binatikos si Vince Tañada: “Kailangan ng tao ng pera hindi...

Events Photographer, binatikos si Vince Tañada: “Kailangan ng tao ng pera hindi shoutout.”

Binatikos ng isang events photographer ang post ni ‘Katips’ Director at Producer na si Atty. Vince Tañada.

Ito’y matapos maghanap si Tañada ng photographer para sa kanyang kaarawan ngunit ang gusto ng direktor ay ‘x-deal’ ang maging usapan.

Ang x-deal ay kasunduan kung saan walang matatanggap na kahit anong salapi ang photographer ngunit maari itong makatanggap ng ibang bagay katulad na lamang ng ‘shout-out’ o koneksyon sa kanyang customer.

Ngunit ayon kay Rey-An Moreno, hindi shout out ang kailangan ng mga photographer katulad niya ngayon.

“Kawawa photographers sa Pinas. Ito yung direktor ng #KATIPS na ang laki daw ng kinita sa sinehan, million tapos hahanap ng photographer for birthday party e X deal, it means walang bayad.” ani Moreno.

“He’s a filmmaker. He should know better than to ask photogs to shoot ng X deal at sa mismong birthday pa. He knows na ang laki ng investment sa camera, time, gas, editing tapos for shout out lang bayad sa’yo.” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay mahirap maging photographer sa mga event at nakakapagod ito kaya naman hindi niya maisip kung paano ito magagawa ng iba ng walang kapalit na bayad.

“Pa recover pa lang tayo sa pandemic, kailangan ng tao ng pera hindi shoutout. Sana yung photographer na kumuha nito e hindi ibigay yung photos sa kanya hahahahaha or i delay nang i delay hanggang next birthday nya hahahhaaha,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Tañada sa pambabatikos na kanyang natanggap.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps