Home Entertainment Suspek na tumapos sa buhay ng 15-anyos na siklista, mayroon na palang...

Suspek na tumapos sa buhay ng 15-anyos na siklista, mayroon na palang kaso ng panghahalay noon pa

Wanted na pala noon pa ang suspek na tumapos sa buhay ng 15-anyos na siklista na si Princess Marie Dumantay.

Sa ulat ng Bulacan PNP, nalaman nila na ang suspek na si Gaspar Maneja Jr ay mayroon ng nakabinbin na kaso sa San Jose del Monte Bulacan dahil sa panghahalay sa isang bata at matagal na itong pinaghahanap.

Ngunit ayon sa ulat ay bigong mahuli noon si Maneja at nagtago pa ito sa alyas na Jose Francisco Santos upang makatakas sa kamay ng batas.

Ayon din sa ulat ay kusa talagang sumasama ang biktima kay Maneja at ilang beses itong sumakay sa sasakyan nito.

Ilan ding saksi ang nagsabi na ilang beses nilang nakita ang suspek na kasama ang biktima.

Hindi naman malaman kung bakit sumasama ang biktima kay Maneja.

Nitong Agosto 18 ay matagumpay na nahanap ng mga otoridad ang suspek na nagtatago sa Camarines Sur.

Haharap naman ito sa patong patong na kaso dahil sa ginawa niya kay Dumantay.

Samantala ay ilang netizens ang nanawagan sa gobyerno na ibalik ang parusang bitay upang mabigyan ng tunay na hustisya ang siklista.

Ayon kasi sa kanila ay hindi na dapat bigyan pa ng ikalawang pagkakataon ang suspek lalo na’t dalawa na pala ang kanyang nabiktima.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps