Home Entertainment Kabiyak ni Eugene del Rosario na dinukot sa isang gasolinahan nagsalita: “Love...

Kabiyak ni Eugene del Rosario na dinukot sa isang gasolinahan nagsalita: “Love ang dami nating plano, bakit??

Hindi maitago ng asawa ng lalaki na dinukot sa gasolinahan nitong Martes sa Batangas ang pagdadalamhati sa malagim na sinapit ng kanyang kabiyak.

Sa kanyang mga Facebook post, ibinahagi ni Jane Cabello na madaming pangarap para sa kanila ang biktima na si Eugene del Rosario.

“Eugene, love ang dami nating plano, bakit???wala kang iniisip kundi ako at si lexi. Lagi mo sinasabi hanggang tumanda ka kami pa din gusto mo ksama. Sa pagsasama natin never tayo nag away ng dahil sa babae. Lagi kita tinatanong bakit d mo naiisipan magloko lagi mo sinasabi sakin na” bata ka pa lang broken family na kayo at ayaw mo maranasan ng magging anak mo yun.” sabi ni Cabello.

Lubos din ang kanyang kalungkutan dahil sa wala ng ama ang kanyang anak.

“Wala ng matatawag si lexi na “daddy” pano pag binigay nya phone sakin at gustoka ivideocall wala ako mapapakitang daddy sa knya. Pano?wala na ko katuwang,wala nang magssbi sakin na. San mo gusto pununta para mawala stress mo, wala ng magtatanong twing umaga kung ano gusto ko kainin, wala na yayakap sakin pag natulog ako. Wala kana.” sabi pa niya.

Inulan naman ng pakikiramay si Cabello mula sa mga netizens.

Matatandaan na wala ng buhay ng makita si Del Rosario sa Quezon Province.

READ MORE: Lalaki na nakita sa CCTV na kinuha sa gasolinahan, miyembro diumano ng bukas kotse gang

Ayon naman sa PNP ay dating miyembro ng Bukas Kotse Gang ang biktima at maaring may kinalaman sa kanyang mga dating aktibidades ang pagkuha sa kanya ng isang grupo .

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps