Home Entertainment Vince Tañada, binatikos dahil naghanap ng photographer na wala siyang perang babayaran:...

Vince Tañada, binatikos dahil naghanap ng photographer na wala siyang perang babayaran: “Wala nang libre ngayon!”

Inulan ng batikos sa social media ang direktor ng ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada dahil sa paghahanap nito ng photographer na wala siyang babayarang salapi.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Tañada na naghahanap siya ng photographer para sana sa kanyang kaarawan na payag sa ‘X Deal’.

“Looking for a photographer who can do X Deals for my birthday party tonight. PM mel” ani Tañada.

Ang X Deal ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang kampo kung saan ay papayag ang isang professional photographer na ibahagi ang kanyang serbisyo ng walang kapalit na salapi kundi ‘goods and services’ lamang ng kumpanya na kanyang makaka-deal.

Hindi pa malaman kung ano ang mapapakinabangan ng photographer na papayag na ibigay ng libre ang kanyang serbisyo sa direktor.

Ilang netizens naman ang hindi natuwa sa post ni Tañada.

“Hala uy wala nang libre ngayon…Kung walang pambayad ng photographer, may cellphone ka naman..” sabi ni Sass Sasot.

“Sabi niya malaki ang kinita ng pelikula niya. Bakit walang pambayad ng photographer?” tanong ni Juan Deveraturda.

“Mga taong nabubuhay sa xdeal and shoutouts HAHAHAHA.” opinyon naman Jhared Gaspar.

“Tigas fez ni vince…. Feeling sikat…. Mahal puhunan ng mga photographers sa mga gadgets nila, lenses, tripods, and ung skills … Tpos gusto mo libre lang… Huyz! Laki ng kinita ng Katips db? Wla kang pambayad,” komento pa ng isang netizen.

Sa ngayo ay burado na sa Facebook ang nasabing post ni Tañada ngunit sa kanyang Twitter ay makikita parin ito.

Wala pang pahayag si Tañada tungkol sa pambabatikos na natanggap niya.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps