Home Entertainment Mystica, binanatan si Inday Sara: “Porke magulang Presidente, all of the sudden...

Mystica, binanatan si Inday Sara: “Porke magulang Presidente, all of the sudden ipapamana”

Pinag usapan muli ang dating aktres at ngayo’y vlogger na si Ruby Rose Villanueva o mas kilala sa kanyang palayaw na Mystica.

Naging maanghang ang mga pahayag ni Mystica laban kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte at sa mga taga suporta ng alkalde.

Naniniwala kasi si Mystica na hindi sapat na dahilan na maging Pangulo si Inday Sara dahil sa dahilan na anak siya ng kasalukuyang lider ng bansa.

Idinamay niya din ang dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang mga pahayag.

Pabor naman ang ilang netizens na nakapanood ng nasabing pahayag ni Mystica.

“Agree ako sayo Mystica! Sa mga boboto sa Duterte ulit jusko maawa naman kayo sa pamilya nyo at sa buong Pilipinas. Bumoto kayo ng tama!” ani Jd Saxor.

“TAMA PO KAYO MADAM MYSTICA,” sabi pa ng isang netizen.

“Agree ako sayo mystica. ..kaylangan walang dynasty para bigyan ng chance ung ibang tao n gusto rin tumulong sa mga pilino.. ..madali kasi mauto mga pilipino lalot may perang binigay..” saad ni Alex Zane Miller.

Matatandaan na binanatan nadin noon ni Mystica ang ama ni Inday Sara ngunit humingi din ito ng tawad matapos siyang ulanin ng batikos.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps