Home Entertainment Napakacute na mga larawan ng bunsong anak ni Nikki Gil at asawang...

Napakacute na mga larawan ng bunsong anak ni Nikki Gil at asawang si BJ Albert na si Baby Maddie, labis na kinagilawan pati ng mga kilalang celebrities

Ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ay isa lang naman sa pinakamagandang biyaya na ating mararanasan sa buhay.

Credit: @nikkigil on Instagram

Hindi man madali ang kakaharapin at gagampanang responsibilidad at obligasyon, ay hindi naman matatawaran nito ang kakaibang kagalakan na nararamdaman ng bawat magulang sa pagdating ng kanilang mga anak.

Tunay ngang hindi naman talaga nakakasawang pagmasdan ang maamo at napaka-cute na mukha ng mga celebrity baby sa showbiz.

Credit: @nikkigil on Instagram

At tulad nga ng natatanggap na suporta at pagmamahal ng kanilang mga magulang, ay ganito rin naman ang ibinibigay ng kanilang mga tagahanga na siya ring nakaabang sa masasayang kaganapan at milestone na kanilang kakaharapin sa buhay.

At ngayon nga sa pagdating ni Baby Maddie sa buhay ng dating aktres at singer na si Nikki Gil at asawang businessman na si BJ Albert, ay tila mas lalo pa ngang naging makulay at masaya ang kanilang pagsasama bilang isang buong pamilya.

Credit: @nikkigil on Instagram

Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon ng isilang ni Nikki ang ikalawang anak nila ng kanyang asawa, na kanilang pinangalanan bilang si Madeline Elle o si Baby Maddie.

Maituturing na isang biyaya ang muling pagkalooban ng isang munting anghel sa pamilya. Kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay kakaibang saya ang dama ng mag-asawa nang masilayan ang kanilang 2nd baby.

Credit: @nikkigil on Instagram

Sa taglay na kakyutan at matatambok na pisngi na ‘kay sarap panggigilan, ay sino ba naman ang hindi maaaliw sa napaka-cute na si Baby Maddie.

At tulad ng ilang mga kilalang personalidad sa showbiz, ay marami rin talaga sa kanila ang hindi napigilan manggigil sa anking kakyutan nito, lalo pa ng ibahagi ni Nikki ang napaka-cute na larawan ng kanyang anak sa social media.

Credit: @nikkigil on Instagram

At sa kakatapos lamang na pagdiriwang ng Chinese New Year ay masayang nakisali rin si Baby Maddie, sa pamamagitan ng kanyang pagsusuot ng isang cute floral baby outfit na talaga namang nagpalitaw sa taglay nitong cuteness.

Sa kanyang cute na larawan ay talaga namang kahit sino ay mapapangiti kapag siya ay nasilayan. Isama pa ang kanyang mga braso, hita, at pisngi na nakakatuwang panggigilan at pagmasdan.

Credit: @nikkigil on Instagram

Kaya naman ang mga celebrity momshies rin na sina Iya Villania, Pauleen Luna, Chesca Kramer, Camille Prats, at Liz Uy ay tuwang-tuwa sa cute na cute na anak ni Nikki.

Maging ang aktres na si Shaina Magdayao at mag-asawang Lucky Manzano at Jessy Mendiola ay napa-komento rin matapos masilayan si Baby Maddie.