Home Entertainment Erika Rae Poturnak sa pagpapabawas ng dibdib, ‘Best decision of my life’

Erika Rae Poturnak sa pagpapabawas ng dibdib, ‘Best decision of my life’

Ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak ay ipinost sa social media ang isang malaking desisyon sa kanyang buhay – na sumailalim sa isang operasyon para mabawasan ang kanyang dibdib.

Sa kanyang TikTok nagtungo ang 20-anyos upang ibahagi na ito ang “happiest day” na nangyari sa kanyang buhay.

Sa maikling clip, ibinahagi ni Poturnak ang isang compilation ng mga snaps habang siya ay papunta sa isang clinic at habang nasa loob ng klinika.

Best decision of my life,” sabi niya sa comment section.

Noong 2021, ipinahiwatig na ni Poturnak ang kanyang interes sa isang breast reduction.

Marami naman ang natuwa at sumuporta sa pagpapabawas ni Poturnak ng kanyang dibdib, “Yowww gooo Gurl! I’m 100‰ support you!”

“Congratulations love!! So happy for you!! I bet your back will feel AMAZING!!”

“Omg you finally did it been seeing you posting that u want to do it congrats!!!!”

May mga followers rin naman siya na gusto rin ipabawas ang kanilang dibdib ngunit wala naman silang sapat na pera at hindi pa afford ito, “ohhh someday I can afford one too.”

“No more back painnnnn, aaaah. soon.”

“Can’t wait to see the results !!!!!”

“Yas queen. praying for your after surgery recovery you’re sooo pretty”

Kamakailan, naging headline si Poturnak nang mamataan siya kasama ang basketball player na si Kobe Paras sa isang beach trip.

Sa serye ng mga larawan na in-upload ay may ilang snaps rin kasama si Poturnak na nakayakap si Paras.

“From Bali with love,” saad sa caption ng basketball player.

Sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung may namamagitan nga ba sa dalawa na higit pa sa pagkakaibigan.

Nang makapagtapos ng high school noong 2020, pumirma si Poturnak sa Cornerstone Entertainment agency. Siya ang panganay na anak ni Ina Raymundo sa asawang si Brian Poturnak.