Home Entertainment Inang busy maglinis ng banyo, hindi inasahang magti-trending siya dahil sa ginawa...

Inang busy maglinis ng banyo, hindi inasahang magti-trending siya dahil sa ginawa ng kanyang anak

Screengrab from Hazel’s Video

Kinagiliwan online ang trending post ng isang ina matapos siyang gawing content ng kanyang super witty na anak habang siya ay naglilinis ng kanilang banyo kamakailan.

Ayon kay Hazel, hindi niya umano alam kung ikakagalit o ikatutuwa ang ginawa ng anak.

“Magagalit ba talaga ako o matatawa? Santisima Por Diyos Por Santo! Chloeeeeeeeeeeeee!” banat ni Hazel sa kanyang post.

Biro pa niya, hindi umano siya aware na ipapahiya siya ng kanyang habang siya ay naglilinis ng kanilang banyo.

“‘Di ako na inform ng anak ko na ipapahiya niya ako, sana nakapaggown ako habang naglilinis ng CR (comfort room).”

Mapapanood sa video ang pagtawag sa kanya ng anak niyang si Chloe habang hawak ang cellphone na ’tila nagvvlog.

“Ganito ‘yung ginagawa ng mama ko. Tatawagin ko lang, siya galit na siya. So eto siya tawagin natin,” sambit ni Chloe habang naglalakad at nagvi-video papunta sa kanyang ina na busy maglinis ng kanilang banyo.

At tinawag na nga ng nakakaaliw na bata ang kanyang ina.

“Mama,” buong loob na tawag ni Chloe sa kanyang ina na biglang sumagot ng ganito:

“Ano ba! Dun ka nga.”

Matapos marinig ang sagot ng ina, ito na lamang ang nasabi niya:
“Diba, guys? Galit na galit? Sige, bye, guys. Bye. Galit na galit ‘yan.”

Narito pa ang nilalaman ng buong post:

“Na i-content pa nga ng anak na feeling vlogger! ‘Di pa nga buo yung galit ko eh, meron pa talga yang “MAY GINAGAWA AKO PUNYETA KA BABATUHIN KITA NG BRUSH, MAMA KA NG MAMA AH!” naudlot lang bigla kong nakita nag vivideo nanaman eh!

Ang Cute na batang si Chloe | Credits: Hazel Hazel FB

Ps: Sorry ho sa awrahan ko sa loob ng banyo, ‘di ako na-inform ng anak ko na ipapahiya niya ako, sana nakapaggown ako habang naglilinis ng CR. May point naman siya dun sa tatawagin lang G na G agad.

Relate much ba mga nanay na bungangera jarn pag gumagawa ng Gawaing bahay?”

Panoorin ang buong video: