Home Entertainment Whamos Cruz, May Mensahe sa Anak; Hiniling na Huwag Sana Siya ang...

Whamos Cruz, May Mensahe sa Anak; Hiniling na Huwag Sana Siya ang Maging Kamukha

Sa latest facebook post ay ibinahagi ng vlogger na si Whamos Cruz ang larawan niya kasama ang kanyang partner na si Antonette Gail Del Rosario. Makikita sa larawan na nakahalik si Whamos sa tiyan ni Antonette. Matatandaan na kamakailan lamang nang ianunsyo nilang magkakababy na sila. May mensahe rin si Whamos sa kanyang magiging baby.

“‘Wag mo sana ako maka muka baby para di ka makaranas ng panglalait ng ibang tao.”

Mabilis namang nag-viral ang post na ito. Sa ngayon ay umabot na ng halos 200k reacts, 8.7k comments at 10k shares ang naturang post.

Marami naman ang nagsabi na okay lang na maging kamukha ni Whamos ang kanyang baby dahil anak naman niya ito. Ayon pa sa mga supporters ni Whamos, huwag na masyadong intindihin ang mga nanghuhusga sa kanya partikular na sa kanyang itsura.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Wag naman ganun IDOL, ikaw ang PAPA kaya ok lang na maging ka mukha mo ,proud ang magiging anak niyo sayo kasi may PAPA siya maalaga at mapagmahal sa pamilya lalo na sa anak,kaya wag mo sabihin na ganun malulungkot ang baby……be proud TATAY ok,exited na ako makita baby niyo.”

“ano naman kung ikaw kamukha? ikaw yung tatay eh magtaka ka kung hindi ikaw kamukha. tandaan mo wala sa itsura ang pagiging tatay nasa kung papano ka magpaka tatay sa bata bro. oo ganyan itsura mo pero wala makakatumbas sa pagmamahal na ibibigay mo sa mag ina mo.”

“Wala sa itsura yan whamos. basta my magandang ugali at mabuting kalooban. Yun ang mahalaga.”

“Kung ano man po ang maging itchura ng baby nio tangap po ng fans nio yan. Aanhin ang kagwapuhan at Kagandahan kung pangit ang ugali Walng modo. God bless sa inyo nagagalak na kmi sa baby nio support”