Home Entertainment Leon Barretto naglabas ng open letter para sa amang si Dennis Padilla...

Leon Barretto naglabas ng open letter para sa amang si Dennis Padilla ukol sa di niya pagbati noong father’s day

Nagbigay na ng kanyang pahayag si Leon Barretto ukol sa hinaing ng kanyang ama na si Dennis Padilla.

Kamakailan nga ay trending ang ngayo’y burado ng post ni Dennis tungkol sa kanyang mga anak. Nakalimutan daw kasi ng mga ito na batiin siya noong Father’s day.

Una niyang ipinost ay ang larawan nina Julia at Claudia, aniya sa caption, “Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more [praying hands, heart emojis]”

Kasunod naman nito ay ang larawan nila ng anak na si Leon, katulad ng kanyang mga ate. Kinalimutan din umano ni Leon na batiin ang ama, kaya naman saad ng komedyante, “Leon… You forgot to greet me last sunday … hehe… Love you ingat… [praying hands, heart emojis]”

Agad namang nag-viral ang post na iyon ni Dennis, marami agad ang bumatikos sa magkakapatid. Ayon nga sa ilang netizens, nakakaawa daw si Dennis at nagkaroon siya ng mga anak na ganoon ang mga ugali.

Samantala, ilang araw ang nakalipas, isang open letter ang ibinahagi ni Leon sa kanyang Instagram post. Addressing to his father, pinunto niya rito ang dahilan kung bakit nga ba hindi niya binati ang ama.

Ani ni Leon, “Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day. It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day.”

Hiniling din ni Leon sa ama na wag ng isapubliko pa kung may mga hindi magagandang nagyayari sa pagitan nilang mag-aama.

Narito ang kabuuan ng kanyang post: