Home Entertainment Isang ginang kinagigiliwan ngayon online matapos i-remake ang litrato ni Coleen Garcia.

Isang ginang kinagigiliwan ngayon online matapos i-remake ang litrato ni Coleen Garcia.

Nito nga lamang may isang litrato online ang nag viral matapos may isang ginang ang subukang gayahin.

Ang picture prefect ni Coleen Garcia habang kasama ang pamilya nito sa kalagitnaan ng dagat habang pinapa-breast milk si baby Amari.

Ang naturang litrato namang ito na nag viral ng ginang ay makikita sa Facebook account nito na may ngalan na Arlene Loraine.

Nilakipan naman ito ng ginang ng caption na aniya niya dito, ”Gusto ko lang naman gayahin si Coleen. Ano bang mahirap don, family???”

Dagdag pa ng ginang sa caption nito, ”Jusmeee, para kaming lumikas sa baha!! Sumosobra ka na talaga, Coleen eh. Eto na po ang complete footage ng rescue operation.”

At dahil nga mukang naging epic ang pag gaya nito sa naturang litrato ni Coleen at nagmuka nga daw itong rescue operation.

Ay kinagiliwan ito ng mga netizens online, na umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Sa ngayon mayroon na itong 2.7k comments at 34k shares na talaga namang nag viral sa loob lamang ng wala pang isang araw.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

”Dalawa kasi yung anak mo!.”

”Hind mo kase mabalance ng maayos dahil wla sa tamang posisyon yung mga kiddos! mo kaya mukhang hirap na hirap kayo.”

”Tawang tawa ako sa lumusong sa baha. Hahaha.”