Home Entertainment Watch! Antonette Gail at Whamos Cruz, Magkakababy na!

Watch! Antonette Gail at Whamos Cruz, Magkakababy na!

Halu-halong emosyon na ibinahagi ng magpartner na sina Whamos Cruz at Antonette Gail na magkakababy na sila. Kilala ang dalawa bilang vlogger. Sa video ay mapapanood kung paano ipinakita ni Antonette kay Whamos ang dalawang positive na pregnancy tests. Mababakas naman sa kanilang mga mukha ang saya at excitement na nararamdaman nila.

“So guys, may blessing na naman na dumating sa buhay namin. Sa lahat ng naging blessing na dumating sa amin, ito yung pinakamangandang blessing sa amin, magkaka-baby na kami guys! ” ani ni Whamos.

May mensahe na rin sila sa mga bashers na alam nilang hindi pa rin umano sila tatantanan.

“At syempre, sa lahat ng mga mamba-bash diyan, panigurado ‘yan iba-bash niyo kami. Ito lang ang sasabihin namin sa inyo, sa lahat ng mga bashers, go lang, i-bash niyo lang kami. Basta kami, wala kaming pakialam sa inyo. Dahil una sa lahat hindi kayo ang gagastos dito.”