Home Entertainment Isang Lola sa Dasmariñas Cavite, Nagdiwang ng Kanyang Ika-100 Taon!

Isang Lola sa Dasmariñas Cavite, Nagdiwang ng Kanyang Ika-100 Taon!

Ibinahagi ng Cavite Connect facebook page ang isang Lola na nagdiwang ng kanyang ika-100 taon. Siya si Lola Lola Catalina Pacheco na naninirahan sa Barangar San Luis 1, Dasmariñas, Cavite. Si Lol Catalina ay ipinanganak noong Hunyo 16, 1922 at kahapon, HUnyo 16, 2022 nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-100 taon.

Ibinahagi naman ng Jhilovine’s Catering Services na sila ang kinuhang food service sa birthdaw ni Lola Catalina na ginanap naman sa Robinsons Vineyard Dasmarinas Cavite.

Sa isang post naman ay ibinahagi ng Barangay San Luis 1 Facebook page ang kanilang pagbati para kay Lola Catalina.

“ka-100 Kaarawan ni Lola Catalina

Isang pagbati ang nais iparating ng Pamunuan ng Barangay San Luis I, Lungsod ng Dasmariñas Cavite para sa ika-100 Kaarawan ng Isa nating residente na si Lola Catalina Pacheco ngayong araw ng huwebes, Hunyo 16, 2022.

Kung ating matatandaan noong nagdaang mga taon bago ang pandemya, sa edad na 95+ ay nakasasayaw pa rin at masiglang-masigla pa rin si Lola sa mga pasayaw ng ating barangay. Kahanga-nga ang taglay na lakas ni Lola Catalina

Muli, MALIGAYANG KAARAWAN, LOLA CATALINA PACHECO!”