Home Entertainment 15 Anyos na Dalagita, 100 Beses Nagparetoke para Magmukhang Barbie

15 Anyos na Dalagita, 100 Beses Nagparetoke para Magmukhang Barbie

Sinasabing likas sa mga tao ang magkagusto sa magagandang bagay, kasama na rin ang pagnanais na mapaganda ang mukha at katawan. Kaya naman maraming pangpagandang paraan ang pinag-aaralan at ginagawa ng karamihan upang maging kaaya-aya at maganda sa harap ng salamin, lalo na sa harap ng ibang tao.

Sa pagkakadiskubre ng makabagong teknolohiya, ang pagpapaganda ay naging mas madali ngunit may kaakibat din na halaga. Kaya naman karamihan sa kanilang nagpapa-ayos ng itsura ang yung mga nakaka-‘afford’ lamang bilang sinasabing ‘status symbol’ na rin ngayon ang pagpaparetoke at hindi na dapat ikinakahiya tulad noon.

Hindi na bago sa mga kilalang personalidad, lalo na sa mga artista at social media influencers ang pagpapa-ayos ng mukha at katawan dahil ito nga naman ang kanilang puhunan sa kanilang trabaho.
Kailangan nilang maging maganda sa harap ng camera upang mas magustuhan ng mga manonood at ng kanilang fans.

Isa sa kanila diumano ay ang 15 taong gulang na dalaga, na sikat na social media influencer at vlogger, mula sa Tsina na sinasabing sumailalim na sa mahigit 100 beses na plastic surgery para maging mukhang ‘Barbie Doll’.

Photo credit to The China Post
Photo credit to The China Post

Siya ay nakilala bilang si Xiao Z Na Na o mas kilala sa palayaw niyang Little Z Nana. Sa kaniyang edad ay mayroon na diumano siyang milyon-milyong followers online sa isang sikat na social media website at app sa Tsina kung saan kanya mismong ibinahagi ang naging ‘journey’ sa pagpapaganda.

Dahil diyan ay marami raw talagang sumubaybay kay Nana mula nang sumailalim ito sa maraming operasyon dahil sa nais niyang magmukhang manika. At ayon sa ilang mga ulat, 13 taong gulang pa lamang siya noong una siyang sumailalim sa operasyon.

Photo credit to The China Post

Naglaan talaga diumano ang bata ng maraming pera at oras para maging kamukha siya ni Barbie. At ilan sa mga operasyong pinagawa niya ay 6 “double-eyelid” surgeries, 5 Lateral canthoplasties (outer eye corner) procedures, 3 body liposuctions, 1 “full-face bone reduction” surgery, 2 facial lipo-suctions, 2 thigh liposuctions at 3 mouth surgeries.

Ngunit dahil diumano sa dami ng kaniyang pinagawa sa kaniyang mukha ay marami na sa kaniyang mga tagahanga ang nababahala ngayon dahil sa kinalabasan ng kaniyang hitsura matapos ang halos 100 beses na pagpaparetoke.

Photo credit to The China Post

Pinaalalahanan naman niya ang kanyang fans na alam niya na malaki talaga ang ipinagbago ng kanyang itsura pero mas naging natural na raw ito ngayon, at hindi niya raw ito pagsisisihan dahil nais raw talaga niyang mas gumanda at ito ay nagbibigay sa kanya ng kasiyahan at tiwala sa sarili.

Photo credit to The China Post

“I know my face has changed a lot in this year. But it has become more natural now.

“I’m leaving no regrets here and I will do whatever I feel it’s right for me. All I want to do is to become prettier.”, aniya.

Sagot naman niya sa mga kritiko at online trolls, hindi niya diumano ginagawa ang pagpapaganda para maplease ang ibang tao. Ito raw diumano ay para sa kanyang sariling kaligayahan.

“Do not say I am doing these procedures to meet other’s beauty standards.

“I am willing to spend the money to do this, and it brings me confidence and joy”. pahayag ni Nana.