Home Entertainment Skusta Clee, biglang nag-walkout sa event dahil hindi kinaya ang pagtawag sa...

Skusta Clee, biglang nag-walkout sa event dahil hindi kinaya ang pagtawag sa kanya ng ‘tul0’

Tila ba hindi na nakayanan ni Skusta Clee ang pambabatikos ng mga tao sa kanya, kung kaya’t nagawa na nitong magwalk-out sa harap ng maraming tao sa isang event.

Muli nanaman ngang nagpag initan ng madla ang sikat na OPM Rapper na si Skusta Clee o Daryl Borja Ruiz sa totoong buhay.

Nito lamang kasi ay nagtrending nanaman ang isang video ng netizen na kuha sa isang event. Makikita si Skusta kasama ang kanyang mga kaibigan at kagrupo na EX-Battallion na isa sa mga performents na naturang event.

Matutunghayan sa video na kumakanta ang kanyang grupo sa entablado, ngunit ng si Skusta na ang kakanta upang kantahin ang kanyang verse ay bigla naglamang nagsigawan ang audience.

Nakataas ang gitnang daliri ng mga manonood at isinisigaw ang salitang ‘tulo’ ng paulit-ulit. Ito ang paraang ng audience upang ipahiya ang rapper.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay makikita sa video na bigla na lamang nag walk-out si Skusta at klumad it ng mabilis palayo sa stage. Sinamaham naman ang mangaawit ng kanyang mga kagrupo.

Nagsalita na lamang ang isang myembro ng Ex-B at nagpasalamat sa lahat ng nakisaya sa kanila, upang hindi mahalata masyado ang pag walk-out ng kanilang ka myembro.

Narito ang video.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatikin si Skusta ng hindi magagadang salita habang nagpeperform sa stage. Ilang araw pa lamang kasi ang nakakaraan ng ma-boo sya ng audience sa Aurora Music Festival sa Clark.

Sumigaw ang mga tao rito at sinabihan siyang “Ch3ater” . Kaugnay ito na kontrobersyal na hiwalayan nila ng sikat na vlogger na si Zeinab dahil sa isyu ng pambabae.