Home Entertainment Forever na ba ito? Aira Lipata ipina-tattoo ang pangalan ni Skusta Clee...

Forever na ba ito? Aira Lipata ipina-tattoo ang pangalan ni Skusta Clee sa kanyang katawan.

Ito na nga ba ang pinaka iintay ng marami na jowa reaveal?

Noon ay mariing itinatanggi ng dalawa ang kanilang relasyon, ngayon ay tila handang handa ng aminin nina Aira Lipata at Skusta Clee ang kanilang espesyal na pagtitinginan.

Naging malaking usapin nitong mga nakaraang linggo lamang ang muling paghihiwalay ng OPM Rapper na si Skusta Clee at sikat na vlogger na si Zeinab Harake.

Third party ang tinuturong dahilan ng kung bakit single mom na ngayon si Zeinab.

Napabalita rin na may sinugod sa isang bar si Zeinab at doon ay pinagtulungan ang naturang babae ng grupo ng vlogger.

Dito na naging matunog ang pangalan ni Aira Lipata na tinuturong dahilan at third party sa hiwalayan ng Zeiryl. Ngunit kahit siya ang tinuturong dahilan ng lahat ay tikom ang bibig nito at waang ibinibigay na anumang pahayag tungkol sa issue.

Hangang gulatin na lamang nina Skusta at Aira ang madla na i-flex nila ang kanilang sweet na sweet na larawan sa kani-kanilang IG stories.

Dito na mas umugong ang balita na may katotohanan nga ang mga paratang sa kanila.

Hindi pa diya natatapos, dahil naglabas muli si Aira ng larawan na makakapagpatunay na espesyal ang namamagitan sa dalawa.

Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ni Aira kung saan ay ipinatattoo niya ang pangalan ni Skusta Clee.

Kasama sa post na iyon ang dalawa pa nilang larawan na magkayakap at magkaakbay.

Marahil ito na ang sagot nina Aira at Skusta Clee sa kanilang mga bashers at sa mga nagtatanong kung totoo ba at ano na ang estado ng kanilang relasyon.