Home Entertainment Valerie Concepcion, Proud sa Kanyang Anak na Grumaduate: “I am so proud...

Valerie Concepcion, Proud sa Kanyang Anak na Grumaduate: “I am so proud of you, my dearest Heather”

Si Valerie Concepcion ay isang proud mom dahil ang kanyang anak na si Heather Fiona, ay nagtapos kamakailan sa pag-aaral.

Sa isang Instagram post, ipinakita ng celebrity mom ang sunud-sunod na larawan ng graduation ng kanyang anak at isinulat, “Right from when you were still a kid until now, you have only given me reasons to hold my head up high.”

Pagpapatuloy niya, “I am so proud of you, my dearest Heather and I am wishing you all the success and happiness the world has to offer. Good luck on your new journey, anak ko. ILYSM and I’ll always be here for you. That’s a promise.

“With love and pride today and always, MOM.”

Ipinanganak ni Valerie Concepcion ang kanyang pinakamamahal na anak na babae, si Heather Fiona, noong Oktubre 25, 2004.